About

Opinions and views about anything under the sun...

Looking for something specific?

 

Cold Feet

Countdown starts… Labing-apat (24) na araw na lang bago ang graduation at sa walong (8) araw… ipapaskil na yung mga pangalan ng mga naka-survive sa apat o limang taon ng pagsusunog ng kilay, paghaharag sa requirements, at sa ‘sleepless nights’.

Parang hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari.

Eto na yung pinakahihintay ng mga estudyante… pero parang ayoko pa…

Hindi naman sa gusto kong bumagsak syempre… Sino bang normal na tao ang may gusto nun di ba? Nakakatakot lang isipin na sa mga susunod na araw, iba na ang aatupagin ko.

Wala ng enrollment, wala ng iintindihin na tuition fees o kung gaano ba karami ang subjects sa isang araw. Wala ng kaba sa pag-iisip kung terror ba yung prof na maghahandle sa klase atbp.

Pagkatapos makuha ang pinakaaasam na diploma, yung pressure na kaylangan nang gamitin ang lahat ng natutunan mo sa taon na inilagi mo sa pag-aaral ng kursong pinili mo ang iintindihin. Ibang grading system na ang haharapin. Wala nang prof na magtuturo kung pano itama ang mali.

Ikaw na ang bahala sa mangyayari sa buhay mo.

Nakakatakot, pero exciting yung ideya na ibang lugar na ang pupuntahan mo. Hindi mo alam kung anong mangyayari.

Sa ngayon, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Nakakawindang.

Eto din kaya ang nararamdaman ng mga kapwa ko graduating students?

(Source: bluecasquette)

2012.03.18  2:23pm [countdown] [ayan na] [graduation] [cold feet]

Links

RSS
a Tumblr theme by Robert Boylan